Pag-amin ni Pangulong Duterte na nakagawa siya ng kasalanan dahil sa extra-judicial killings, ipinarating na sa ICC

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2018 - 06:27 AM

Malinaw na “admission of guilt” ang pahayag ni Pangulong rodrigo Duterte na ang kaniyang tanging kasalanan ay extra-judicial killings.

Ayon kay dating Solicitor General Florin Hilbay, dapat ikonosidera ng International Criminal Court o ICC ang nasabing pahayag ng pangulo bilang formal at public admission of guilt.

Ipinarating na rin ni Hilbay sa ICC ang naturang pahayag ng pangulo sa pamamagitan ng social media.

Ang Malakanyang na aniya ang bahalang magpaliwanag at i-justify sa ICC kung sasabihin nilang joke na naman ang naturang pahayag ng pangulo.

Pero naniniwala si Hilbay na hindi ito dapat ipagsawalang-bahala ng ICC at sinabing kumpiyansa siyang seseryosohin ng korte ang pahayag ng ng pangulo.

TAGS: admission of guilt, ejk, Floruin Hilbay, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, admission of guilt, ejk, Floruin Hilbay, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.