Magnitude 3.2 na lindol naitala sa Looc, Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Looc sa Occidental Mindoro.

Naganap ang lindol alas 4:58 ng umaga ng Biyernes, Sept. 28 sa 33 kilometers south west ng Looc.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at 50 kilometers ang lalim.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

Read more...