Bagyong Paeng napanatili ang lakas; LPA na magiging bagyo binabantayan ng PAGASA
Napanatili ng Typhoon Paeng ang lakas nito habang mabagal pa ring kumikilos.
Huling namataan ang bagyo sa layong 695 kilometers east northeast ng Basco Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 195 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa direksyong northwest.
Ngayong araw ay magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa at makararanas lang ng isolated na mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 2,195 kilometers east ng Mindanao.
Magiging isang ganap na bagyo ang naturang LPA at papasok ito sa bansa sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.