Presyo ng commercial rice inaasahang bababa sa P37-P42 kada kilo sa loob ng 2 linggo – NFA
Iginiit ng National Food Authority na dapat bumaba ang presyo ng commercial rice sa P37 hanggang P39 pesos sa loob ng dalawang linggo mula sa P40 hanggang P42 sa kasalukuyan.
Sa panayam ng reporters kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, sinabi nito na inaasahan ito ng ahensya matapos dagdagan ang suplay ng NFA rice sa merkado.
Sa ngayon anya ay mayroon nang 20 percent share ang NFA rice sa merkado mula sa halos 13 percent noong Agosto.
May posiblidad pa anya na taasan pa ang market participation ng NFA rice sakaling hindi pa bumaba ang presyo.
Ani Estoperez, darating na sa Nobyembre ang unang batch ng 750,000 metric tons (MT) ng bigas na iaangkat ng Pilipinas.
Dahil dito, mula sa 2.3 million bags ng NFA Rice sa mga warehouse ay papalo ito sa 6 million bags kapag dumating na ang mga inangkat na bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.