JS Akebono, dumaong sa Maynila para sa isang goodwill visit

Dumaong sa Manila South Harbor ang JS Akebono (DD-108) ng Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) para sa tatlong araw na goodwill visit sa Pilipinas.

Lulan ng barko ang 200 officers at crew kabilang ang personnel ng Japan Coast Guard at commander ng Escort Division 5 ng JMSDF na si Captain Josuke Nakamura.

Bukod dito, dala rin ng JS Akebono ang dalawang SH-60K patrol helicopters.

Pinangunahan ni Offshorre Combat Force Deputy Commander Capt. Francisco Luis A. Laput ang delegasyon ng Philippine Navy (PN) sa pagsalubong sa JMSDF.

Ang JS Akebono ang barkong rumesponde sa isang distress call mula sa isang Singapore-flagged tanker matapos aksidenteng mahulog at masaktan ang isang Filipino crew sa Gulf of Aden.

Ito na ang ikaanim na pagbisita ng JMSDF sa Pilipinas ngayong taon.

Matatandaang noong Sept. 1 ay dumaong ang three-vessel Escort Flotilla Four sa Alava Wharf, SBMA, Olongapo City.Ayon sa Philippine Navy, ipinapakita nito ang kanilang matatag na ugnayan sa JMSDF at itinataguyod din ang kapayapaan sa rehiyon.

Read more...