Residential area sa Baseco Compound, natupok ng apoy

By Rhommel Balasbas September 28, 2018 - 04:22 AM

Courtesy of SK Kagawad Nicko Alag

Natupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay 649, Baseco Compound sa Maynila Huwebes ng gabi.

Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-11:20 ng gabi at naapula rin pasado hating gabi.

Umabot sa sa ikalawang alarma ang sunog.

Nasa 10 bahay ang nasunog dahilan para mawalan ng tirahan ang nasa 20 pamilya.

Sa isang Facebook post, inihayag ni SK Chairman Cj Barredo Buenconsejo ang kalungkutan sa pangyayari.

Ito ay dahil halos isang buwan pa lamang ay sumiklab ang sunog muli sa lugar.

Noong August 25 ay sumiklab din ang isang sunog sa Baseco Compound.

Patuloy pang inaalam ang dahilan ng sunog kagabi sa lugar.

Tinatayang nasa P70,000 ang pinsala sa ari-arian ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.