Naga, Cebu isinailalim na sa state of calamity

Cebu Provincial Government

Nasa ilalim na ng state of calamity ang buong lungsod ng Naga, Cebu dahil sa malagim na landslide sa lugar.

Ayon kay Naga Mayor Christine Chiong, ang deklarasyon ay upang magamit ng lungsod ang kanilang quick response fund upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Sa ngayon ay nasa mahigit 1,200 o tinatayang nasa 7,500 na indibidwal ang nasa 11 evacuation centers ng lungsod.

Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operations ng mga awtoridad sa ground zero.

Umabot na sa 67 ang naitatalang nasawi bunsod ng insidente at nasa 20 pa ang nawawala.

Nagpapatupad ng mahigpit na protective measures para sa mga rescuers dahil sa mabaho ng amoy ng ground zero.

Read more...