Pangulong Duterte nagdeklara ng state of calamity sa 4 na rehiyon dahil sa Bagyong Ompong

By Rhommel Balasbas September 28, 2018 - 12:56 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Bunsod ng pinsalang iniwan sa buhay at ari-arian ng Bagyong Ompong ay nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na rehiyon.

May petsang Setyembre 25 ang Proclamation 593 na nilagdaan ng pangulo at nagsasailalim sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR) sa state of calamity.

Napagdesisyunan ito ni Duterte matapos ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Layon ng proklamasyon na pabilisin ang rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts ng gobyerno, private sector at international humanitarian organizations para sa mga biktima ng bagyo.

Ipinag-utos na ng pangulo sa mga kagawaran at concerned agencies ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Magiging basehan din ang deklarasyon ng price control measures na ipatutupad upang matugunan ang posibleng epekto ng bagyo sa apektadong populasyon.

Ang state of calamity ay epektibo hangga’t hindi inaalis ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.