Bilang ng mga nasawi sa pagbaha sa Nigeria, umakyat na sa 200

By Angellic Jordan September 27, 2018 - 09:44 PM

Google maps

Pumalo na sa higit 200 na katao ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa malawakang pagbabaha sa Nigeria.

Ayon sa National Emergency Management Agency, 100 ang itinaas ng mga napaulat na nasawi mula noong nakaraang linggo.

Umabot naman sa mahigit 1,000 na katao ang nasugatan habang 800,000 naman ang apektado simula noong Agosto.

Sinabi ng ahensiya na inaasahan pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga ito.

Apat na estado sa Nigeria ang apektado ng pagbabaha matapos maranasan ang malakas na buhos ng ulan.

Kabilang sa matinding napinsala ay ang lugar sa paligid ng Niger River.

TAGS: baha, National Emergency Management Agency, Nigeria, baha, National Emergency Management Agency, Nigeria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.