Nora Aunor, handang makasamang muli sa pelikula si Vilma Santos

By Angellic Jordan September 27, 2018 - 09:23 PM SHARE(S):

Handa si Superstar Nora Aunor na muling makasama si Lipa CIty, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa isang pelikula.

Sa contract signing ng kaniyang talent na si John Rendez sa Star Music, ibinahagi ni Nora na mayroong mga kumakausap sa kanila para gumawa ng bagong pelikula.

Problema nga lang aniya ay ang hindi magkatugmang schedule.

Samantala, sinabi rin ng beteranong aktres na handa siyang gumawa ng pelikula kasama ang Star Cinema.

Ani Nora, hindi niya isinasara ang pinto sa naturang oportunidad at buong puso niya itong tatanggapin.

TAGS: nora aunor, pelikula, Vilma Santos, nora aunor, pelikula, Vilma Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.