Mga kakandidato sa PDP-Laban sa 2019 elections, magiging federalism advocate
Magiging federalism advocate ang mga kakandidato sa Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) para sa 2019 national at local elections.
Sa isinumiteng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa Commission on Elections (Comelec), sinabi ni PDB-Laban party president Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na ang magiging common bond ng mga kandidato ay ang pagiging miyembro ng partido at federalism advocate.
Ang CONA ang magsisilbing official endorsement ng partido at gagamitin ng mga kandidato sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre.
Nakapagsumite na rin aniya ang partido ng mahigit 100 pangalan ng mga personalidad base sa rules ng regulations ng Comelec.
Sa ngayon, mayroon na aniya silang siyam na senatorial bets sa kanilang line-up.
Maliban kay Pimentel, kinumpirma ng PDP-Laban na kabilang sa mga tatakbong senador ay sina dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa, Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go,” “Francis Tolentino, Press Secretary Harry Roque, Reps. Dax Cua, Monsour del Rosario, Bong Mangudadatu at Karlo Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.