Pag-amin ito ng pangulo kasabay ng batikos kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan na may akda ng Juvenile Justice Welfare Act of 2006 na aniya’y nagpadami lamang sa mga kriminal.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga career executive officers sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na akala ni Pangilinan ay wala siyang kasalanan.
Hindi naman idinetalye ng pangulo kung paanong naging kasalanan ni Pangilinan ang pagdami ng mga kriminal sa bansa.
Sa kaniya aniyang panig, ang kasalanan lang umano niya ay ang mga extra judicial killing sa gitna ng pagpuksa sa illegal drugs.
Ang war on drugs ng administrasyong Duterte ay nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong drug suspects, bagay na kinokondena ng mga kritiko maging ng international community.