Duterte, inaming kasalanan niya ang extrajudicial killings

By Len Montaño September 27, 2018 - 08:39 PM

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tangi niyang kasalanan ay naging collateral ang extrajudicial killings sa kampanya ng kaniyang administrasyon laban sa droga.

Pag-amin ito ng pangulo kasabay ng batikos kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan na may akda ng Juvenile Justice Welfare Act of 2006 na aniya’y nagpadami lamang sa mga kriminal.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga career executive officers sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na akala ni Pangilinan ay wala siyang kasalanan.

Hindi naman idinetalye ng pangulo kung paanong naging kasalanan ni Pangilinan ang pagdami ng mga kriminal sa bansa.

Sa kaniya aniyang panig, ang kasalanan lang umano niya ay ang mga extra judicial killing sa gitna ng pagpuksa sa illegal drugs.

Ang war on drugs ng administrasyong Duterte ay nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong drug suspects, bagay na kinokondena ng mga kritiko maging ng international community.

TAGS: extrajudicial killings, Illegal Drugs, Rodrigo Duterte, extrajudicial killings, Illegal Drugs, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.