Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Photo credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Surigao Del Norte, Huwebes ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 58 kilometers Northeast sa bayan ng Burgos.

Niyanig ng lindol ang lalawigan bandang 6:36 ng gabi.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...