Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Jimmy Guban na tumanggap siya ng komisyon mula sa kumpanyang SMYD.
Sinabi nito na nasa P10,000 hanggang P15,000 ang kaniyang tinatanggap sa nasabing kumpanya bilang panggastos sa paglakad ng mga dokumento.
Kaugnay nito, hiniling ng komite kay Guban na ibigay ang listahan ng mga consignee-for-hire at nangako naman ang dating Customs intel officer na ibibigay ito sa Lunes.
Dahil dito, naniniwala ang pinuno ng komite na si Surigao Rep. Robert Ace Barbers na may sindikato ng droga ng BOC, PDEA at PNP.
Ang SMYD ang sinasabing consignee ng P6.4 bilyong halaga ng shabu na nadiskubre sa Manila International Container Port at sa natagpuang mga walang lamang magnetic lifters sa isang warehouse sa General Mariano Alvarez sa Cavite.