Trillanes walang ibibigay na “sorry” kay Calida
Dedma si Sen. Antonio Trillanes sa bantang pagsasampa sa kanya ni Solicitor General Jose Calida ng kasong libelo kung hindi siya hihingi dito ng paumanhin dahil sa mistulang pagtawag niya dito na magnanakaw.
Sa panayam kay Trillanes sa senado, sinabi nito na wala sa posisyon si Calida na humingi ng apology mula sa kanya.
Aniya alam ni Calida at ng publiko kung ano ang nangyari kaya wala siyang dahilan para mag-apologize dito.
Una nang sinabi ni Trillanes na si Calida ang nagtago sa kanyang amnesty application form kaya hindi ngayon mahagilap sa anumang tanggapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nanindigan si Trillanes kung gusto ni Calida na idemanda siya ay gawin lang nito kung ito ang trip ng opisyal.
Sinabi din ng senador na “he expects the worst from him” na ang pinatutungkulan ay si Calida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.