Sa media forum sa Vigan, Ilocos Sur, sinabi ni Health Usec. Enrique Domingo na patuloy ang kanilang ginagawang meeting sa Solicitor General para sa pagsasapinal ng kaso.
Ayon kay Domingo, kada linggo ay nagkakaroon ng pulong ang legal team ng DOH sa Solgen para magkaroon sila ng matibay na kaso.
Kabilang anya sa pinag-uusapan ay ang estratehiyang gagamitin ng gobyerno para maipanalo ang kaso.
Lahat anya ng mga dokumento na kinakailangan ay kanilang isinumite sa abogado ng pamahalaan.
Kapag may mga bagong reports ay kanila rin anya itong isinusumite sa OSG.
Magugunitang aabot sa higit sa 800,000 katao na karamihan ay mga bata ang nabigyan ng bakuna na Dengvaxia kung saan ilan sa mga ito ay namatay.