Trillanes hindi pa aarestuhin ngayong araw

By Justinne Punsalang September 27, 2018 - 02:47 PM

Inquirer file photo

“Not today”.

Ito ang maikling tugon ni Makati City Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano nang tanungin kung kailan ilalabas ng korte ang warrant of arrest laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Bagaman tumanggi si Andres na magbigay ng detalye, sinabi nito na mayroong posibilidad na hanggang sa susunod na linggo maaaring ilabas ng korte ang arrest warrant laban sa senador para sa kasong kudeta.

Nagtungo naman sa Makati RTC Branch 148 si Makati City Police chief, Senior Supterintendent Rogelio Simon upang humingi ng update tungkol sa hirit ng Department of Justice (DOJ) na warrant of arrest laban sa senador ngunit wala aniya siyang nakuha dahil nakaalis na sa gusali si Judge Soriano.

Sa panig naman ni Senador Trillanes, hindi pa ito muling lumalabas sa kanyang tanggapan sa loob ng Senado mula kaninang bandang alas-11 ng umaga para saglit na makipag-usap sa mga kawani ng media.

Sa ngayon ay nag-aabang pa rin ang mga media sa labas ng opisina ng senador at nagbabakasakali na mgkokomento ito tungkol sa sinasabing pagkabalam sa kanyang aresto ngayong araw.

TAGS: judge andres soriano, kudeta, Makati RTC, simon, trillanes, judge andres soriano, kudeta, Makati RTC, simon, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.