Trillanes kakasuhan ni Calida dahil sa pagtawag sa kanyang magnanakaw
Nagbanta si Solicitor General Jose Calida na sasampahan ng kasong libelo at damages si Senador Antonio Trillanes dahil sa mistulang pagtawag sa kanya nito na magnanakaw.
Kaugnay ito ng akusasyon ni Trillanes na si Calida ang nagtago ng kanyang amnesty application form kaya hindi ito makita ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa isang pahayag, sinabi si Calida na kung hindi hihingi sa kanya ng paumanhin si Trillanes, itutuloy niya ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.
Depensa ni Calida, malabo ang bintang ng senador dahil mismong si Lt. Col. Thea Joan Andrade na siyang pinuno ng Discipline, Law and Order Division ng Deputy Chief of Staff for Personnel (J1) ang nagsabing walang makitang kopya ng amnesty application ng senador sa kanilang record.
Iginiit din ni Calida na hindi siya kahit kailan nakapasok sa opisina ng J1 sa Camp Aguinaldo kaya paano niya mananakaw ang mga dokumento na nakatago doon.
Sinabi pa ni Calida na mukhang hindi nabasa ng senador ang dalawang dahilan sa likod ng Proclamation No. 572 na nagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.
Milinaw aniya sa proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang bisa ang ibinigay ditong amnestiya dahil hindi naman ito nagsumite ng amnesty application form at hindi ito umamin sa pagkakasala nito sa kasong kudeta kaugnay sa Oakwood mutiny at rebellion naman para at Manila Peninsula siege .
Bukod dito, hindi din aniya binawi ng senador ang mga nauna nitong pahayag na taliwas sa pag-amin nito sa kanyang kasalan alinsunod sa DND-AC Circular No. 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.