Halaga ng pinsala ng bagyong Lando umakyat na sa P11-B
Umakyat na sa P11-B ang halaga ng kabuuang pinsala ng bagyong Lando na tumama sa malaking bahagi ng bansa noong nakalipas na buwan.
Sa pinaka-huling tala na inilabas ng National Disaster Risks Reduction and Management Council (NDRRMC), P9-B ang halaga ng mga nawasak na tahanan, ari-arian at sa sektor ng agrikultura samantalang P2-B naman sa imprastraktura at iba pang proyekto ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nawasak ang halos ay pitumpung mga health facilities na matatagpuan sa Ilocos region, Cagayan valley, Central Luzon at Calabarzon area.
Nananatili naman sa apatnapu’t walo ang bilang ng mga napatay samantalag mahigit sa isang-daan katao ang mga naiulat na sugatan.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na ang bagyong Lando ang siyang pinaka-malakas na bagyo na tumama sa bansa sa kasalukuyang taon.
Nanatili namang lubog pa rin sa tubig-baha ang ilang mga barangay na matatagpuan sa Pangasinan, Bulacan at Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.