Deployment ban sa Filipino nurses sa Micronesia inalis na ng DOLE

By Ricky Brozas September 27, 2018 - 01:08 PM

DOLE Photo

Muli nang pinahintulutan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ng Filipino nurses sa Micronesia.

Iyan ay makaraang magpasa ng resolusyon ang DOLE na nag-aalis ng deployment ban ng mga Pinoy nurse sa naturang lugar.

Sa Press Conference sa tanggapan ng DOLE, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang ginawa lifting sa pagbabawal ng mga OFW Nurses sa Micronesia ay batay sa rekomendasyon ng DFA sa labor department.

Paliwanag ng kalihim, masusing pinag-aaralan ng kanilang Technical Working Group ang naturang hakbang.

Matatandaan na pinagbabawalan ng DOLE ang pagpapadala ng mga Pinoy nurse doon dahil sa samut-saring reklamo kabilang na ang mababang pasahod.

TAGS: Department of Labor and Employment, Filipino Nurses, micronesia, Radyo Inquirer, Department of Labor and Employment, Filipino Nurses, micronesia, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.