VM Isko Moreno, may pananagutan sa usapinsa Torre de Manila

June 20, 2015 - 01:53 PM

edited torreDapat kwestyunin ng Korte Suprema si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa isyu ng konstruksyon ng Torre de Manila na binansagang pambansang “photobomber”.

Sa panayam ng Radyo Inquirer ay sinabi ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza na dapat ay mayroong managot sa pagbabago ng batas ng Lungsod ukol sa pagtatayo ng gusali.

“May pananagutan sina Mayor (alfredo) Lim at (Joseph) Estrada pero mas dapat panagutin ang City Council dahil sila ang nagpapirma sa Alkalde at sila ang nagbago ng ordinansa na nagbabawal sa pagtatayo ng mataas na gusali sa Maynila,” ani Atienza.

Paliwanag ni Atienza, sa ilalim ni Lim ay binago ni Moreno, na siyang namumuno ng City Council, ang ordinansa at nang manalo si Estrada ay pinigil ang konstrukyon ng condo property pero itinuloy din ito kalaunan.

Binanggit din ng Kongresista ang inilabas na temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa konstruksyon ng Torre de Manila na ikinawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa.

“ang DMCI nga ang biktima sa away nina Lim at Estrada dahil mahigit tatlong Bilyon na ang nagastos ng kumpanya tapos ngayon ay nanganganib na hindi ito matuloy,” dagdga ni Atienza.

Malungkot na anya si Dr. Jose Rizal dahil pangit na ang hitsura kapag kinunan siya ng litrato kaya maituturing ang Torre de Manila na hindi lang photobomber kundi “Destroyer of National History”. / Len Montano

TAGS: Isko Moreno, Radyo Inquirer, torre de manila, Isko Moreno, Radyo Inquirer, torre de manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.