Full force na cabinet members sa opening ng Jollibee sa London, binatikos

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2018 - 10:53 AM

Hindi ikinatuwa ng grupo ng mga manggagawa ang pagpapakuha ng larawan ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte habang masayang kumakain sa bagong bukas na branch ng Jollibee sa London.

Dismayado ang mga grupo ng manggagawa na makita ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na nagtungo pa ng London para sa opening ng store ng Jollibee.

Ayon kay Nagkaisa labor coalition spokesperson Rene Magtubo, ang Jollibee ay isa sa top three companies na binanggit ng DOLE na sangkot sa labor-only contracting services.

Hindi rin ikinatuwa ng Federation of Free Workers (FFW) ang ginawa ng mga opisyal ng gobyerno lalo ngayong marami sa mga Pinoy ang naghihirap dahil sa epekto ng pagtaas ng halaga ng bilihin at pagbagsak ng halaga ng piso.

Mistula din ayon sa grupo na OK lang sa gobyerno kahit hindi sumusunod sa labor laws ang Jollibee.

Samantala, sinabi naman ng grupong ALU-TUCP, buti pa si Jollibee nabigyan ng buong atensyon ng mga gabinete habang ang mga kawawang mamamayan ay hindi maasikaso.

Kabilang sa mga opisyal na nagtungo sa London at sumaksi sa pagbubukas ng branch ng naturang fast food chain ay sina Finance Sec. Carlos Dominguez III, Tourism Sec. Berna Romulo Puyat, DOTr Sec. Arthur Tugade, DPWH Sec. Mark Villar, DTI Sec. Ramon Lopez at Budget Sec. Benjamin Diokno.

TAGS: cabinet members, jollibee, london, Radyo Inquirer, cabinet members, jollibee, london, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.