8 kabilang ang isang pulis arestado sa buy-bust sa CamSur

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon September 27, 2018 - 10:34 AM

Arestado ang walong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang pulis sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Camarines Sur.

Sa Naga City, dinakip ang suspek na si Menardo Bongon alyas Bong matapos magbenta ng ilegal na droga sa agent ng pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay Sta. Cruz.

Sa nasabi ring lungsod, naaresto din sa buy-bust ang suspek na si Elizalde Pama alyas Poto sa Barangay Triangulo.

Makalipas ang isang oras, dalawa pang drug suspek ang naaresto sa Barangay Peñafrancia na kinilalang sina Edgar Boquio, 32 anyos at John Robert Campomanes, 27 anyos.

Sa bayan naman ng Camaligan, naaresto ng mga otoridad si PO1 Jorge Dorero, 27 anyos sa aktong nagpa-pot session kasama ang tatlong iba pa na sina Wilbert Grejalvio, 38; Bethoven Alipante, 43; at Froilan Vergara, 35.

Ayon sa mga pulis, si Dorero ay AWOL at dating nakatalaga sa Lupi Municipal station.

TAGS: camarines sur, Illegal Drugs, naga city, Radyo Inquirer, camarines sur, Illegal Drugs, naga city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.