PNP-Avesgroup tiniyak na di sa kanilang hanay galing ang responsible sa ‘tanim-bala’

By Den Macaranas November 02, 2015 - 04:14 PM

NAIA2
Inquirer file photo

Sa gitna ng kontrobersya kaugnay sa tanim-bala scandal sa Ninoy Aquino International Airport, sinabi ng pamunuan ng Aviation Security Group (AvseGroup) ng Philippine National Police na gumagawa na sila ng imbestigasyon sa kanilang hanay.

Ayon kay Supt. Jean Penizan, spokesperson ng PNP-Avsegroup, lumilitaw sa kanilang imbestigasyon na imposibleng sa kanilang mga tauhan magmula ang nagtatanim ng bala sa mga pasahero sa NAIA.

Bukod sa hindi sila otorisadong lumapit sa mga bagahe, hindi rin umano nila trabaho ang pagbabantay sa bags ng mga pasaherong pumapasok sa mga paliparan.

Pero ipinaliwanag ng opisyal na hindi nila matitiyak ito sa iba pang mga tauhan sa NAIA tulad ng Office of the Transportation Security (OTS).

Mga tauhan ng OTS ang nagbabantay sa mga conveyor at sa mga screening machines ng paliparan.

Magugunitang umani ng batikos sa publiko ang sunud-sunod na kaso ng tanim-bala sa NAIA na ibinintang naman sa ilang mga tiwaling tauhan ng nasabing airport.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng Avsegroup na nakahanda silang suma-ilalim sa imbestigasyon ng Senado at Kamara para mapatunayan na wala silang kinalaman sa nasabing kalokohan.

 

TAGS: Avsegroup, NAIA, tanim bala, Avsegroup, NAIA, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.