Korean national, 2 iba pa arestado sa buy-bust sa Cebu City

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2018 - 09:40 AM

CDN Photo

Arestado ang tatlong katao kabilang ang isang Korean national sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Barangay Carreta sa Cebu City.

Ayon kay Sr. Insp. Gulaberto Oroc, deputy commander ng Waterfront Police Station, kinilala ang mga naaresto na sina Patrick Aringue, 35 anyos; Gilbert Pedrano, 46 anyos at ang Korean national na si Seo Yong Ho, 38 anyos.

Nakumpiska mula sa tatlo ang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P708,000.

Si Aringue ang target ng operasyon dahil sa natanggap na ulat ng mga pulis na sangkot ito sa illegal drug activities.

Nang isagawa ang operasyon, nadatnan sa bahay ni Aringue si Seo at si Pedrano.

 

TAGS: cebu, drug suspects, korean national, Radyo Inquirer, War on drugs, cebu, drug suspects, korean national, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.