7 patay at 7 ang arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa Lapu-Lapu City

CDN Photo

Patay ang pitong katao habang arestado ang pitong iba pa sa isinagawang drug buy bust operation sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ikinasa ang operasyon sa Barangay Pajac na nauwi sa shootout matapos magpaputok ang mga suspek.

Ayon kay Supt. Mark Gifter Sucalit, Lapu-Lapu ng City Police Office City Intelligence Branch nagtungo sila sa lugar dahil sa reklamong natanggap nila mula sa mga cincerned citizen sa barangay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Abundio de la Torre Jr., Allan de la Torre, Mohaimen Conda Mauyag, isang alyas Jovan, Shainoden Dimasimpan, isang alyas Mantak, at si Manuel Pepito.

Sa inisyal na impormasyon bahagi ng isang drug group ang mga suspek na nag-ooperate sa lugar.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong hand guns at mga hinihinalang shabu.

Pinaniniwalaan din na ang mga napatay na suspek ay sangkot sa pamamaslang sa isang estudyante sa Lapu-Lapu City noong Sept. 19.

Read more...