Paglilikas sa mga pamilyang nasa lugar na high-risk sa landslide sa Itogon, sisimulan na
Magsasagawa na ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Itogon matapos ideklara ng Mines and Geosciences Bureau na high-risk sa landslide ang 184 na ektaryang lupain sa naturang bayan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Itogon Mayor Victorio Palangdan, matapos ipaabot sa kanila ang report ng MGB, agad pinulong ang mga concerned agencies para sa gagawing preemptive evacuation.
Sinabi ni Palangdan na aabot sa 500 pamilya ang maaring maapektuhan ng paglilikas na uumpisahan na ngayong araw.
Bukod pa ito sa 500 pamilya na nauna nang inilikas ng lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng bagyong Paeng.
Problema naman ng pamahalaang lokal ng Itogon ang permanent na resettlement para sa mga apektadong pamilya.
Ani Palangdan mas mabuti sana kung mayroon na silang permanenteng lilipatan para hindi na sila mahikayat pang bumalik sa delikadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.