Mahigit 500 pasahero pinababa sa tren ng MRT dahil sa naranasang electrical failure

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2018 - 07:48 AM

Isang tren na naman ng Metro Rail Transit ang nagka-aberya, Huwebes (Sept. 27) ng umaga.

Ayon sa MRT-3 naganap ang aberya alas 6:24 ng umaga matapos makaranas ng electrical failure ang motor ng isa nilang tren.

Dahil dito, pinababa sa Cubao Station ang nasa 540 na mga pasahero.

Sinabi ng MRT-3 na makalipas ang limang minuto ay napasakay naman agad ang mga pasahero sa kasunod na tren.

Pero sa tweet ng mga pasahero, sinabi nilang apat na tren ang dumaan bago sila nakasakay muli.

Isa rin sa mga pasahero ang nagsabing matagal siyang naghintay sa Cubao bago muling makasakay sa panibagong tren.

TAGS: electrical failure, MRT 3, Radyo Inquirer, technical problem, electrical failure, MRT 3, Radyo Inquirer, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.