PUBLIC SERVICE: Bahagi ng Makati at Binan, Laguna mawawalan ng suplay ng kuryente

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2018 - 06:54 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Makati City at Binan Laguna.

Sa abiso ng Meralco sa San Lorenzo, Makati, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption na makaaapekto sa bahagi ng Barangay San Lorenzo.

Ito ay dahil sa pagpapalit ng poste at line reconductoring works ng Meralco sa lugar.

Sa Binan Laguna naman, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption na makaaapekto sa bahagi ng Barangay San Francisco.

Ayon sa Meralco, magpapalit din sila ng poste sa bahagi ng Macaria Avenue na sakop ng naturang barangay.

TAGS: Biñan, laguna, Makati, Meralco, power interruption, Radyo Inquirer, Biñan, laguna, Makati, Meralco, power interruption, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.