Malacanang nakakuha ng bagong kakampi sa BBL
Nanawagan ang Third Party Monitoring Team (TPMT) sa lahat ng mga Pilipino na suportahan ang napapanahon na pagpasa ng isang makabuluhang Bangsamoro Basic Law.
Sa harap ito ng patuloy na pagkabinbin ng nasabing panukala sa Kongreso.
Naniniwala ang nasabing grupo na ang BBL ang siyang pinaka-mabisang paraan para tuluyan nang mawakasan ang ilang dekada nang kaguluhan sa Muslim Mindanao.
Base sa pahayag ng TPMT, kinikilala nila na hindi magiging madali ang landas sa kapayapaan at ilang taon na rin dumadaan ang proseso ng kapayapaan sa mga pagsubok at tagumpay.
Nasa kritikal na bahagi na ang peace process dahil abot kamay na ang tagumpay at bagamat mataas ang pag-asa para dito lumalago din ang pangamba ng ibat-ibang mga kumukontrang grupo sa BBL.
Naniniwala din ang TPMT na ang deliberasyon ng BBL at mga konsultasyon para dito ay pagkakataon para sa mga stakeholders na ipahayag ang sustansya at detalye ng mga kasunduan sa ilalim ng draft law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.