Biyahe ng MRT-3 normal ngayong araw matapos ang aberya kahapon
Matapos ang aberya na naranasan kahapon dahil sa aksidente sa kanilang maintenance service vehicles, normal na nakapag-umpisa ng operasyon ang MRT-3 ngayong umaga.
Ayon sa MRT-3 as of 6AM, labingapat ang kanilang tren na operational at bumibiyahe na.
Nangangahulugan ito ng pito at kalahating minuto lamang na headway o pagitan ng dating ng tren sa mga istayson.
Kahapon pitong tauhan ng MRT-3 ang nasugatan matapos magbanggaan ang dalawa nilang unimogs na nagsasagawa ng routine inspection alas 3:00 ng madaling araw.
Agad isinugod sa ospital ang mga nasugatang tauhan ng MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.