LPA na magiging bagyo papasok sa bansa sa Linggo o Lunes – PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2018 - 06:30 AM
Isang panibagong Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas ang LPA ay huling namataan sa layong 3,100 east southeast ng Mindanao.
Sinabi ni Rojas na malaki ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.
Sa Linggo o ‘di kaya ay sa Lunes ay inaasahang papasok ng bansa ang nasabing sama ng panahon.
Sa sandaling maging isang ganap na bagyo habang nasa loob ng bansa ay papangalanan itong Queenie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.