Dating barangay tanod patay sa pamamaril sa Parañaque City

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay Baclaran, Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Jose Sagani Biona na kilala rin sa tawag na Pacman, 51 taong gulang, at isang dating barangay tanod.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo lamang ang biktima sa Alley 6 na bahagi ng Sitio Maligaya nang lapitan ng riding-in-tandem.

Walang pag-aatulubili ay pinagbabaril ng mga hindi nakilalang mga suspek si Biona na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang pamamaslang ay agad na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa insidente. Partikular nilang inaalam kung mayroon bang kinalaman sa iligal na droga ang insidente dahil nabatid na dati nang gumagamit nito ang biktima.

Read more...