DSWD nagpaalalang huwag magbigay ng gamit na damit para sa mga biktima ng kalamidad

By Justinne Punsalang September 27, 2018 - 03:06 AM

Cebu Daily News

Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko huwag magbigay ng mga gamit na damit para sa mga biktima ng kalamidad.

Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Secretary Viriginia Orogo na dahil sa nagpapatuloy na disaster response operations ay kulang ang oras ng mga kawani ng DSWD upang i-sort pa ang mga magagamit sa hindi magagamit ng mgaevacuees.

Dagdag pa ng kalihim, sa ilalalim ng Republic Act 4653 ay mayroong ‘no used clothing donation’ policy na sinusundan ang kagawaran.

Paliwanag ni Orogo, ito ay bilang pagsuporta sa local garment industry at precautionary measure na rin upang makaiwas sa pagpapasa ng anumang sakit o health hazard sa pamamagitan ng mga gamit na damit.

Iginiit ni Orogo na mas kailangan ng DSWD Region 7 ang mga donasyon katulad ng hygiene kits, gatas, diaper, school supplies, kumot, banig, mga bagong damit at salawal, eco bag, at malalaking plastic boxes.

Samantala, upang mapanatili ang organisadong pamamahagi ng relief goods at donasyon ay bumuo na ang lokal na pamahalaan ng Naga City, Cebu ng Centralized Distribution System.

Sa ngayon, ayon sa DSWD, mayroong pang 1,597 mga pamilya o 7,113 indibidwal na namamalagi sa 11 mga evacuation centers sa limang mga barangay sa Naga City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.