Bilang ng mga pamilyang nakararanas ng gutom, tumaas
Matapos ang 10-year record na pagbaba, muling tumaas ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsasabing nakakaranas sila ng gutom.
Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa ng limang araw simula noong nakaraang September 2, at may 1,200 na respondents.
Sa resulta, 15.7 percent ng mga respondents, na may katumbas na 3.5 milyong pamilya ang nagsabi na nakakaranas sila ng involuntary hunger isang beses kada tatlong buwan.
Tinataya naman 3.1 milyon na pamilya o 14.1 percent ang nagsabi na nakaranas sila ng bahagyang gutom.
Samantala, ang mga nagsabi naman na nakaranas sila ng matinding gutom ay bumaba sa 1.6 percent o 361,000 na pamilya.
Ang resulta ng survey ay mataas ng tatlong puntos kumpara sa naitala ng second quarter ng taon na 12. 7 percent o tinatayang 2.8 million na pamilya.
Pinakamarami ang nagsabi na nakaranas sila ng gutom sa Mindanao, kung saan nairehistro ang pagtaas na 14.7 percent.
Sa Luzon, tumaas ng apat na puntos ang bilang, habang walang pagbabago sa Metro Manila, samantalang bumaba naman ng 2. 3 percent sa Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.