Trillanes posibleng arestuhin muli anumang oras

By Jong Manlapaz September 26, 2018 - 04:50 PM

Inquirer file photo

Natanggap na ng Makati RTC Branch 148 Presiding Judge Andres Soriano ang walong pahinang tugon ng Department of Justice sa supplement to the comment and opposition ng kampo ni Senador Antonio Trillanes.

Ito ay may kinalaman sa hirit ng DOJ na hold departure order at alias warrant of arrest laban kay Trillanes.

Ayon kay Makati City RTC Branch 148 clerk of court Atty. Maria Rhodoro Peralta, submitted for resolution na ang mosyon at posible itong lumabas bukas hanggang Biyernes.

Nauna dito ay nagkomento si Sen.Trillanes na bigo umano ang prosekusyon na ipakita na may basehan ang pagpapawalang bisa sa amnesty ng ibinigay sa dating lider ng Magdalo group.

Non-bailable o walang pyansa ang kasong kudeta ni Trillanes na nakasampa sa nasabing hukuman.

Kahapon ay naglabas ng alias warrant of arrest ang Makati City RTC Branch 150 para sa kasong rebellion.

Pero kaagad ring naglagak ng piyansa ang mambabatas sa halagang P200,000.

TAGS: coup, judge andres soriano, magdalo, Makati RTC, rebellion, trillanes, coup, judge andres soriano, magdalo, Makati RTC, rebellion, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.