Security of tenure bill ipinamamadali ni Duterte sa Kamara

By Erwin Aguilon September 26, 2018 - 03:01 PM

Inquirer file photo

Naniniwala si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles na lalong magpapatibay sa seguridad sa trabaho o security of tenure ang pagsertipika ni Pangulong Duterte bilang “urgent” sa Security of Tenure Bill.

Ayon kay Nograles, aabot sa 40 Milyong mga manggagawa ang makikinabang sa batas gayundin ang mga estudyanteng magtatapos sa kolehiyo na nakatakdang maghanap ng trabaho.

Sinabi nito na hirap makahanap at maging regular sa trabaho ang maraming nagtapos na kolehiyo.

Aminado ang kongresista na may mga malalabong bahagi ang Labor Code na pinagsasamantalahan ng mga employer kaya dapat umanong linawin at tuldukan ang problema sa pamamagitan ng Security of Tenure Bill.

Naniniwala si Nograles na matitigil na ang pamamayagpag ng kontraktwalisasyon at labor-only contracting sa bansa sa oras na mapagtibay ang panukala.

TAGS: Congress, duterte, Karlo Nograles, tenure billa, Congress, duterte, Karlo Nograles, tenure billa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.