Loyalty check sa AFP sinang-ayunan ni Senator Ping Lacson
Pabor si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa panukalang dapat magsagawa na rin ang liderato ng AFP ng loyalty check sa mga sundalo sa gitna ng mga isyu ng destabilisasyon.
Ipinaliwanag ni Lacson na bahagi ito ng counter-intelligence na dapat ginagawa ng AFP leadership upang maagapan ang anumang problema sa kanilang hanay.
Sinabi rin ng dating PNP chief na bagaman masakit sa pangulo ang makatanggap ng balita na may mga sundalo pa ring posibleng nakikipagsabwatan sa mga kalaban ng pamahalaan sa kabila ng kanyang mga ginagawa pabor sa mga ito, dapat din aniyang tanggapin ng pangulo na hindi nito makukuha ang absolute support ng lahat ng miyembro at opisyal ng AFP.
Gayunman, hindi aniya ito dapat ikabahala ng pangulo dahil mayorya pa rin ng mga sundalo ang sumusuporta sa kanya.
Kinontra naman ni Senador Gringo Honasanhon na dating sundalo, ang pagsasagawa ng loyalty check sa pagsasabing distraction lamang ito sa trabaho ng AFP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.