Economic outlook para sa Pilipinas ibinaba ng ADB
Malabong maabot ng Pilipinas ang economic growth target nito para sa taong 2019 ayon sa Asian Development Bank (ADB).
Sa press conference, binanggit ng ADB na ang pagsipa ng inflation rate at iba pang global problem ang magiging hadlang para makamit ng bansa ang growth goals nito.
Ayon kay ADB country director for Philippines Kelly Bird, dahil dito, ibinaba ng ADB ang economic growth outlook nito sa Pilipinas sa 6.4 percent mula sa dating 6.8 percent ngayong taon.
Para naman sa taong 2019, ginawang 6.7 percent ng ADB ang growth outlook mula sa dating 6.9 percent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.