Calida sa kaso ni Trillanes: Time for trial

Kinakailangan nang maisailalim agad sa paglilitis si Senator Antonio Trillanes IV matapos magpalabas ng arrest warrant sa kaniya ang korte para sa kasong rebelyon.

Reaksyon ito ni Solicitor General Jose Calida na siyang nag-aral ng amnestiyang ibinigay kay Trillanes ng dating administrasong Aquino at nagbunsod sa pagpapalabas ng Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag sinabi ni Calida na malinaw na nakumbinsi ang Makati RTC Branch 50 na si Trillanes ay hindi naghain ng aplikasyon para sa amnesty, hindi nagkaroon ng adminission of guilt at hindi binawi ang mga nauna niyang pahayag.

Sinabi ni Calida na dapat managot ang senador sa mga krimeng nagawa niya laban sa bansa.

Magugunitang si Pangulong Duterte mismo ang nagsabi na si Calida ang nag-aral ng amnestiya ni Trillanes.

Read more...