1 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Lucena City

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2018 - 10:38 AM

File Photo

Isa ang nasawi habang anim na iba ang naitalang sugatan sa dalawang aksidente na naganap sa Lucena City.

Ayon sa ulat ng Lucena police, sa Barangay Ibabang Iyam bumangga ang isang motorsiklo na may lulan na tatlong katao sa center island, alas 4:20 ng madaling araw.

Nasawi sa aksidente ang lalaking driver ng motorsiklo habang ginagamot naman sa Quezon Medical Center ang mga sakay nitong sina Raymond Glorioso Abiar, 18 anyos at isang hindi pa nakikilala.

Pawang nakainom umano ang tatlo.

Samantala, isa pang motorsiklo ang bumangga din sa poste ng kuryente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Kanlurang Mayao, alas 2:00 ng madaling araw.

Sugatan ang apat na sakay nito na sina Kieltres Triunfo, 17 anyos; John Harold Natal, 14 anyos; Claudine Grimaldo, 19 anyos at Gracia Buenaobra, 18 anyos.

Sa imbestigasyon, natuklasan ding lasing ang apat na sakay ng motorsiklo.

Pawang wala din silang suot na helmet nang mangyari ang aksidente.

TAGS: 1 dead, 6 injured, Lucena City, Motorcycle accident, 1 dead, 6 injured, Lucena City, Motorcycle accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.