Rule of law inabandona sa pag-iisyu ng warrant of arrest vs. Trillanes – Rep. Villarin

By Erwin Aguilon September 26, 2018 - 09:58 AM

Tahasang pag-abandona sa rule of law para kay Akbayan Rep. Tom Villarin ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes.

Ayon sa mambabatas, magbo-boomerang ang nasabing hakbang ng korte sa administrasyong Duterte sa mga susunod na araw.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng kawalan na ng tiwala ng taumbayan sa pamahalaan.

Inakusahan din ni Villarin na may kamay ang Malakanyang sa pagpapalabas ng Makati RTC Br. 150 ng warrant of arrest kay Trillanes para sa non-existent rebellion case.

Samantala, ayon naman kay dating Deputy Speaker at Quezon 4th District Rep. Erin Tañada, iginagalang niya ang desisyon ng korte pero hindi ang naging pasya ni Judge Elmo Alameda.

Paliwanag nito, walang basehan ang pagpapalabas ng warrant of arrest dahil matagal ng dismissed ang kaso laban kay Trillanes at ginawa lamang ito upang busalan ang senador.

TAGS: Antonio Trillanes IV, Radyo Inquirer, tom villarin, Antonio Trillanes IV, Radyo Inquirer, tom villarin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.