Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Lingig sa Surigao Del Sur.

Naitala ang pagyanig sa 51 kilometers North east ng Lingig alas 9:08 ng umaga ng Martes, Sept. 26.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at 13 kilometers ang lalim.

Naitala ng PHIVOLCS ang intensity II sa Bislig City bunsod ng pagyanig.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

Read more...