Drug suspect patay, 3 iba pa arestado sa buy-bust sa Lucena

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2018 - 09:18 AM

Patay ang isang hinihinalang drug pusher at arestado ang tatlong iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Lucena City.

Isinagawa ang operasyon ng drug enforcement unit sa Lucena kung saan nasawi na si Alvin Vergara, 30 anyos.

Ayon kay Supt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena police, nanlaban ang suspek nang siya ay aarestuhin na ng mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro ang buy-bust.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, nadakip naman ang mga suspek na sina Chester Magpantay, Jennifer Olit at Marlon Cruz sa dalawang buy-bust operations sa Barangay Ibabang Iyam.

Nakuha mula sa mga suspek ang 22 plastic sachets ng shabu na tinatayang P3,000 ang halaga.

Pawang nasa drugs watchlist ng pulisya ang mga suspek.

TAGS: Buy Bust operations, drugs, Lucena City, Radyo Inquirer, Buy Bust operations, drugs, Lucena City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.