“Kanang kamay” ni Kerwin Espinosa, patay sa pananambang sa Ormoc

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Visayas September 26, 2018 - 08:42 AM

Nasawi sa pananambang ang “kanang kamay” ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Ayon kay Chief Insp. Roger Octaviano ng Ormoc Police Station 1, naganap ang pananambang kay Joel Aberilla sa Barangay Alta Vista, Miyerkules (Sept. 26) ng madaling araw.

Nakikipag-inuman umano si Aberilla kasama ang kaniyang mga kaibigan sa labas ng isang convenience store nang dumating ang kulay puting Toyota Innova, bumaba ang tatlong naka-maskarang lalaki at saka binaril ang biktima.

Nagtamo ng tama ng mga bala ng baril sa likod si Aberilla na nang bumagsak ay nilapitan pa ng isa sa mga suspek at saka binaril sa kaniyang ulo.

Ayon sa mga residente sa lugar, pitong putok ng baril ang narinig nila sa lugar.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng pamamaril ang anim na bala ng rifle at isang bala ng 9-mm pistol.

Ayon sa mga otoridad si Aberilla ay isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Espinosa ang ito ay nag-ooperate pa sa Eastern Visayas.

TAGS: ambush incident, kerwin espinosa, Ormoc City, Radyo Inquirer, ambush incident, kerwin espinosa, Ormoc City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.