Minamadali ngayon ng Department of Public Works and Highways sa gitna ng patuloy na pagbuhos ng ulan ang mga kinukumpuning proyekto lalo na na ang Circumferential Road para sa pagbubukas ng Boracay sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar puspusan na ang pagtratrabaho ng mga tauhan ng kagawaran na nabalam dahil sa bagyo at pag-ulan.
Paliwanag ng kalihim, nanatili ang mga crew ng kagawaran sa loob ng 47 araw na pag-ulan mula nang simulan ang rehabilitasyon 82 araw na ang nakararaan.
Nag-deploy na rin ng karagdagang manpower mula sa 15 District Engineering Offices at Regional Office ng DPWH sa Western Visayas.
Nabatid na may kabuuang 1.13-kilometro ng one-lane road ang naayos habang 2.91 kilometers of high-density polyethylene drainage pipes ang nailagay sa 4.1-kilometer Boracay Circumferential Road.