Lalaki natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Las Pinas

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2018 - 06:43 AM

Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang abandonadong sasakyan sa Barangay Talon Dos, Las Pinas City.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na mayroong tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo, naka-asul na T-shirt at maong na pantalon.

Ayon sa nakakita sa lalaki, napadaan siya sa lugar nang mapansin niyang nakahandusay ang lalaki sa passenger seat ng Mitsubishi Montero na may plate number na UOA-550.

Nang siyasatin naman ng mga otoridad, nakuha sa loob ng sasakyan ang bag na may lamang wallet at cellphone.

Ayon kay Chief Insp. Joel Gomez ng Las Pinas City Police, mayroon ding isang sachet ng hinihinalang shabu na nakuha sa SUV.

Sa kuha ng CCTV sa lugar noong Lunes, isang lalaki na naka-sombrero ang nakitang bumaba sa sasakyan.

 

TAGS: Las Piñas City, metro news, Radyo Inquirer, Las Piñas City, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.