Ayon sa paliwanag ng pamunuan ng MRT-3 ito ang dahilan ng delay ng biyahe ng kanilang mga tren.
Sinabi ng MRT-3 na dalawang maintenance vehicles nila na kung tawagin ay Unimogs ang nagkabanggaan sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Stations habang nagsasagawa ng maintenance sa riles.
Alas 4:20 ng madaling araw nang maialis sa lugar ang dalawang Unimogs na sangkot sa aksidente at agad dinala sa depot.
Dahil sa insidente, ang pagdedeploy ng tren na dapat kadalasang nag-uumpisa ng alas 4:30 ay naantala.
Pasado alas 6:15 na ng umaga nang makapag-deploy ng tren ng MRT.
Nag-deploy din dagdag na bus augmentation buses ang LTFRB, MMDA, LTO at HPG para maasistihan ang mga pasahero.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa mga naperwisyong pasahero.