Nagkabanggaang maintenance vehicles ng MRT dahilan ng aberya ngayong umaga
Nasangkot sa aksidente ang dalawang maintenance vehicles ng MRT-3 habang nagsasagawa ng inspeksyon kaninang madaling araw.
Ayon sa paliwanag ng pamunuan ng MRT-3 ito ang dahilan ng delay ng biyahe ng kanilang mga tren.
Sinabi ng MRT-3 na dalawang maintenance vehicles nila na kung tawagin ay Unimogs ang nagkabanggaan sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Stations habang nagsasagawa ng maintenance sa riles.
Alas 4:20 ng madaling araw nang maialis sa lugar ang dalawang Unimogs na sangkot sa aksidente at agad dinala sa depot.
Dahil sa insidente, ang pagdedeploy ng tren na dapat kadalasang nag-uumpisa ng alas 4:30 ay naantala.
Pasado alas 6:15 na ng umaga nang makapag-deploy ng tren ng MRT.
Nag-deploy din dagdag na bus augmentation buses ang LTFRB, MMDA, LTO at HPG para maasistihan ang mga pasahero.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa mga naperwisyong pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.